Thursday, March 30, 2017

My Life

My Life


I am Alexies Iglesia. I am the owner of this blogsite. I am not a grammarian, I am just a simple person who wants to write his dream inside his imagination and make it a Reality. Ginawa ko tong post na to para someday pag nakamit ko na yung mga goal ko, makita ko na somewhere in my past ay nangarap ako. Kung magtagumpay man ako, makikita ko na eto ung pinagsimulan ng lahat at ipaalala naman sa sarili ko na may mga pangarap akong dapat makamit kung magfail man ako sa di ko makamit mga goal ko sa tamang time.

Pinanganak ako sa New Kalalake sa Olongapo City ngunit lumipat kami sa Bataan nung maggrade 2 na ko at doon ko na ko lumaki at nagkaisip, nangarap at nagmature.

 Hindi na ko nakakapunta sa lugar na yon, ang balita ko medyo magulo na daw don pero base sa pagkakaalala ko paraiso skin yon. Nagagawa ko lahat ng gusto ko noon, siguro dala ng pagkabata kaya wag ka ng magtaka kung may mga nkakadiri mang bagay na maikwkwento ko kasama ang sandamukal na kalokohan.

Tuwang tuwa ako noong bata pa ko kapag baha, yun yung time na hindi pa ko nagaaral at naiinspire sa mga napapanuod ko sa TV lalo na sa Sineskwela. Oh pustahan alam mo din yun. Siguradong kilala mo si agatom, palikpik at ugatpuno pati na rin siguro yung palabas na matinik at epol apol at ang sandamukal na anime at cartoons tulad ng Gundam win, Thunder jet, Bananas in pajamas. Voltes 5, Lupin 3, Trigun, Flame of Reca, Ghost fighter, BTX, Blue Blink, Teletubbies (oi kalokohang di mo napanuod yan hahahaha), Lupin the III at iba pa. At siguradong may idadagdag ka pa dyan, at kung naruto, onepiece at fairytail lang alam mo eh ibenta mo na yung kaluluwa mo, hindi ka para dito at di tayo magkakaintindihan nyan hahaha joke. Pero kung may alam ka pa message mo nalang sakin para maalala ko na din hehe.

Noong ng bata pa ko at di pa nagaaral, kapag naiiwan ako sa bahay dahil pumapasok na mga kapatid ko sa school minsan may mga laro akong kakaiba lalo na pag umuulan. kumukuha ako ng straw at iniisip kong tubo yon. Naghuhukay ako sa tabi ng kanal, isang butas na mas mababa pa sa dinadaluyan ng tubig. pagdudugtungin dugtungin ko ang mga straw para makabuo ng mahabang dadalayan ng tubig sa kanal. ("Hoy! wag kang tumawa dyan. sabihin nalang natin mahilig lang ako magexplore"). Ok tuloy na natin. Yon nga. pag napagdugtong dugtong ko na yung mga straw, hahayaan ko syang dumaloy sa hinukay ko. pag nakita ko ng umaagos yung tubig galing sa kanal papunta sa hinukay ko eh tuwang tuwa na ko noon, bata eh, mababaw na kaligayahan.

Siguro sa hilig ko na din sa Sineskwela kaya minsan yung mga nakkwento sakin ng mga kuya ko tungkol sa pagdisect ng palako eh ginagawa ko noon, may gaaaaaad. kinder palang ata ko noon at pang-umaga klase ko. kapag hapon at walang pasok may batas na dapat matulog sa hapon. Pag tulog na yung tita linda ko na bantay ko eh tumatakas ako. Sakto!! umaambon ambon noon at ang daming maliliit na palaka. kumuha akong dos por dos at pinalo yung palaka, ayon. . . . . . patay! Doon ko lang naalala na sabi ng kuya ko dapat buhay yung palaka at tinutusok ng karayom. Gamit ang state of the arts kong gamit panghuli, ang aking kamay ay nakahuli ako ng isa pang palaka. Hinanap ko kagad ang lalagyanan ng mga karayom sa bahay. nakakuha ako ng apat  na karayom at agad tinusok yung palaka. Naawa ako noon pero gusto ko talagang makita kung anong mangyayari kaso wala naman eh. bigla nalang nangisay kaya di ko na tinuloy.

Ang lugar namin sa bandang New Kalalake eh parang palaging may great flood. Tuwing tag-ulan umaapaw ang ilog. Yung sa katapat bahay namin na likod lang nila eh yung ilog na dumadaloy na papuntang first gate hanggang dagat ay tuwing hapon lumulubog yung lote nila sa likod. At syempre ako naman etong si ungas, eh gustong gusto yun. Ilalabas ko na yung mga ginawa kong papel na bangka at palalanguhin sa tubig pag nagsawa naman eh mamato ng bubong ng bahay nung kapitbahay  hahahaha. Oo alam kong adik adik ako noon haha pero ang saya saya ko non na parang walang problema lahat. Iniisip ko noon bakit sinasabi ng mga magulang ko na maswerte ako kasi walang problema, ang hindi nila alam ang damin kong problema tulad nung sinapak ko sa skul siguradong gaganti yun at isasama nya pa yung tropa nyang si vegeta at majinbo para rumesbak. Iniisip ko noon na mas maswerte ang matatanda kasi ang dami nilang pera, mabibili nila lahat ng laruan at kendi na gusto nila.

Noong bata pa ko may crush ako, si mimi, 5 years old palang ata ako noon. Crush ko sya na hindi ko alam kung bakit ko sya crush, basta kasi sabi ng kuya ko crush ko sya kaya yon, crush ko na sya. Pag nakikita ko sya tuwang tuwa ako noon. Bumili ako ng kendi at binigay ko sa kanya tapos biglang may himintong tricycle sa tapat namin, nagbaba ng pasahero.At syempre ako nman to si tange eh nagpasikat. Naglambitin ako sa likod ng tricycle, pasikat eh, anjan kase si crush. Kaso nakita ako ng driver, bigla nyang hininto. Sa lakas ng impact hindi ko tumilapon ako paharap at nabitawan ang pagkapit. Nahulog ako sa lupa at tumawa si crush. Simula noon di ko na ginawa yon uli at sabi ko sa kuya kong sulsol. ayoko na kay mimi, may topak yon.

(Hindi pa tapos at hindi pa naedit, wala lang ako magawa ngayon kaya nagawa ko to. hehe)
saka ko na ayusin at itutuloy... good night












Go to link Download